Handang-handa na si Jordan Herrera sa napipinto niyang laban sa boksing against TJ Trinidad sa pagsisimula ng Pinoy Mano Mano, bagong programa ng ABS-CBN, sa Oktubre 27, pagkatapos ng TV Patrol.

Kung nung praktis nila ni TJ ay napadugo nito ang kanyang ilong, nangako si Jordan na hinding-hindi na ito mangyayri ngayon.

"Araw-araw akong nagpapraktis, dalawang beses isang araw para makondisyon ako, para mapahusay ko ang laban ko. Natyempuhan lang ako ni TJ nun pero ngayon sisiguruhin ko na hindi na ito mangyayari," panimula ng actor na isa lamang sa mga celebrities na mapapanood mag-boxing sa Pinoy Mano Mano na iho-host nina Cesar Montano at Bayani Agbayani.

Ang iba pa bukod kay TJ ay sina Rico Robles at Rico Barrera, mga PBB alumni, Biboy Ramirez, actor at billiard player, Erik Fructuoso, dating Guwaping, Joem Bascon, actor at Michael Roy Jornales, martial artist.

0 comments:


 

Blogger Template by Adam Every | Use it. But don't abuse it.