Matapos ang ilang linggo ng matitinding bakbakan, magtatapos na nga ang boxing reality show na inabangan ng buong bayan.
Ngayong Sabado, ihahandog na ng ABS-CBN ang final showdown ng Pinoy Mano Mano: The Celebrity Boxing Challenge na maaari n'yong mapanood live!
Sa loob ng walong linggo, natunghayan n'yo ang totoong aksyon mula sa walo sa pinakamagagaling na celebrity boxers ng bansa.
Lahat ay nagpakita ng kakaibang galing sa loob ng ring, pero dalawa lang ang maghaharap sa huli: ang dating Powerboy na si Jordan 'The Jaguar' Herrera at ang kilalang personalidad sa radyo na si Rico 'The Truth Behind the Booth' Robles.
Inaasahang magiging kapana-panabik ang labanang Herrera-Robles dahil sa tindi ng mga ipina-kitang gilas ng dalawang celebrity fighters sa mga nauna nilang laban.
Isang 'natural boxer,' lamang si Robles sa kanyang kalaban sa karanasan. Ilang taon nang nagsasanay sa isport, pangarap ni Robles na makalahok sa SEA Games at kumatawan sa Pilipinas sa larangan ng boxing. Aniya, ibibigay niya ang lahat ng makakaya niya sa labang ito.
Samantala, mula nang matalo niya si TJ Trinidad sa eliminations hanggang mapatumba si Joem Bascon sa semi-finals, mala-king improvement ang na-kita kay Herrera, na halos isang taon pa lamang nagba-boxing.
Bagamat nananatiling tahimik sa kanyang istilo sa boxing, siniguro niya na pi-naghandaan niyang mabuti ang laban niya kay Robles.
Bukod sa final match, magkakaroon din ng dalawang makapigil-hiningang pagtutuos sa sa undercard round.
Nakilala sila sa lara-ngan ng pagkanta, pero pagdating sa boksing, may ibu-buga kaya sila? Tungha-yan ang paghaharap ng reggae rapper na si Blakdyak at Pinoy Dream Academy rocker Chad Peralta.
Samantala, pagkatapos ng tatlong undefeated fights, muling susubukan ng Pinoy Mano Mano ang galing ng tinaguriang hari ng undercard na si John 'The British Bulldog' Hall. Magpatuloy pa kaya ang kanyang pagkapanalo kung itatapat siya sa isang amateur boxer / silver meda-list ng seagames?
Talagang kapana-pa-nabik ang mga labang ma-sasaksihan ng lahat sa hu-ling pagtatanghal ng palabas.
Ang final showdown ng Pinoy Mano Mano ay gaganapin ngayon Dec. 15, alas-5 ng hapon sa The Arena, San Juan.
Abangan ang maiinit na tagpo sa huling linggo ng Pinoy Mano Mano: the Celebrity Boxing Challenge, bukas ng gabi pagkatapos ng XXX na may replay sa Linggo ng 10 a. m. sa ABS-CBN.
Labels: News